
SETSUNA | SALARIN feat. Ian Tayao
SALARIN Lyrics. Di mo basta basta ako mabibigo Agad tumatayo, papalag kahit ilang beses matalisod Kahit ang mga oras koy di mo mapapahinto oohhhoo Lunurin mo man sa dagat ng apoy Natutong lumangoy, kahit anong daluyong di mo malulunod to Kahit ang panaginip koy di mo mapapagtanto oohh whoaaa pagdating ng panahong malampasan mo to at maghilom ang mga sugat na natamo yan magsisilbi na pa alala sa iyo mga pinagdaanan mo rason ng yong pagkabuo sa nagbibirong tadhana ka nagseryoso Maging sa tanikala handa ka makipagbuno sa init ng pangarap handang malapnos na para bang inapuyan hangang maging purong ginto Hindi mo sya basta maliligaw Taglay nya ang imaheng di na lilinlang Laruin mo man ang bawat nyang galaw Ang lason moy unti unti lang matutunaw... Hayaan mo silang tumayo sa sarili nilang paa Silang masipag mag dunong dunungan Hayaan mo masunog sa sarili nilang kulungan Mapapaso din yan, ang salarin titingin din yan sa salamin. Mag tatanong din yan mag hahanap din yan ng sarili.. Uso pa ba ang bulag bulagan sa likod ay maang maangan Naubos na ang mga kaluluwa tayo nalang ang natitira Bilang ganti na bigyan tayo ng katahimikan ng ating supling Di ba natin dapat suklian paki usap sanay ayusin natin.. Chorus: Hindi mo sya basta maliligaw Taglay nya ang imaheng di na sisilaw Laruin mo man ang bawat nyang galaw Ang lason moy unti unti lang matutunaw... Kahit pa isayaw mo sa mga bituin Ang pag tingin nyay di mo maaangkin Balat mong maskara pilit nyang aalisin Upang ilabas lubos mong pagkasakim Ilipad mo man sa himpapawid ang hangganan ko di mo matatawid ihulog man sa pinakamatarik sarili ko din ang sasagip Sanay ng sumalo ng patibong Sugat sarili nag hihilom Hindi mo sya basta maililigaw.. Salarin. Salarin. Salarin. Special thanks to: lan Tayao Joshua Villador 🎷 Mario Bermejo Marion Janella RadioManila Music Group Indie TVMD Grand Escape Films Point B