Barangay Love Stories | MOSANG - LARA | Papa Dudut

Barangay Love Stories | MOSANG - LARA | Papa Dudut

Ang kuwentong hindi totoo ay madalas galing sa tsismisan ng mga tao. Pinagkakalat ito ng ibang walang bait at pinaniniwalaan naman ng iba na puno ng inggit. Bagong lipat lamang ang mag-asawang Lara at Jude nang makipagkilala sa kanila ang kapitbahay nilang si Cess. Una pa lamang ay naamoy na ni Lara ang pagkatsismosa nito. Halos araw-araw ay nakatambay ito sa kanilang tindahan hindi upang bumili kundi upang siraan ang mga napapadaan. Hinayaan na lamang ito ni Lara dahil ayaw na niyang ma-stress pa sa mga katulad ni Cess. Ngunit isang araw matapos pagsabihan ni Lara si Cess na itigil na ang pagkwe-kwento ng masama sa ibang tao, ay saka naman kumalat ang balitang baog daw si Lara! Mosang The Lara Story Aired: Barangay Love Stories (March 9, 2022)